Monday, 22 October 2018

"Karanasan tungo sa isang Tagumpay"

Ang magandang karanasan ay isang susi sa kinabukasan, dahil sa pagsasanay dito tayo nagkakaroon ng pagkakamali at maari nating itama kung ano man ang naging sanhi. Bago kami sumabak sa isang pagsasanay sobra ang kaba na aking nadama, inakala ko na ang lahat ay hindi ko makakaya. Pero yun ay inakala ko lang pala, dahil sa huli nag bunga ng saya at nag karoon ako ng tiwala at pag-asa sa aking sarili, na balang araw magkakaroon din ako ng isang marangal na trabaho at matutulungan ko ang aking pamilya sa abot ng aking makakaya. Kaya sa pagsasanay na ibinigay samin, na gawin ito bilang mga estudyante. Mas lalo pang naging matatag  ang aking sarili na pagsikapan ang lahat ng nais ko sa aking buhay balang araw. Ako si Sophia Bayan labing anim na taong gulang, isang mag-aaral sa paaralan ng THE NAZARETH SCHOOL.


BLOG ENTRY NO.1

(First Day at Work )

   Ang aking unang araw sa trabaho ay sobrang nakaka kaba, na sobra din naman ang aking pagka sabik. Masaya ako na makita at makilala ang mga makakasama ko sa aking trabaho, kasama nadin dito ang aking mga ka grupo na aking mga kaklase. Unang araw namin ay sa Kumon Center, hindi ko alam kung saan mismo ang lugar na ito, kaya mas minabuti ko na lamang na makisabay sa pag byahe, kasama ang aking mga kaklase. Nang nakarating na kami sa Kumon ay agad kaming pumasok sa loob, at bumungad ng isang magandang umagang  pagbati sa mga empleyado ng Kumon Center. Sa una ay nagpakilala muna ang bawat-isa samin, pangalawa ay pinakuha kami ng isang pagsusulit, at ang pangatlo ay nag-antay na lamang kami hanggang tanghali para kumain na.

Dumating na ang tanghali dito nang nagsimula na gawin ang ilang mga bagay na kailangan naming matutunan, at sobrang saya ko dahil nakasama ko din dito  ang ilang mga bata, na sobrang kukulit at yung iba naman ay iyakin. Una kong ginawa ay ginabayan, binantayan lamang ang ilang mga bata at nag gagabay din sa kanilang pagbabasa, habang ang ilan ko namang ka grupo ay abala din na nakikipag usap sa mga bata, at ginagabayan din sa kanilang pagbabasa. Sa unang araw ko na nakasama ko ang mga bata sa Kumon, dito ko pas mas lalong pinagbutihan ang aking pakikipag-usap sa kanila, dahil malapit din ang loob ko sa mga bata lalo na sa babae. Sobra ang naging saya kong naranasan sa aking unang trabaho, dahil dito mas nagkaroon ako ng isang malaking tiwala sa sarili, na balang araw makakapag turo din ako sa mga batang gaya nila. Sobra ang saya na aking nadama ng mga araw na iyon, ganun nadin ang aking mga ka trabaho , dahil sila ang una kong nakasama sa aking unang trabaho kasama ang mga empleyado sa Kumon Center at ang mga bata na sobrang aktibo .




BLOG ENTRY NO.2

(_ MOST IMPORTANT ATTITUDE IN THE WORKPLACE)

Una sa lahat, kailangan natin ang pagkaka-roon ng RESPETO sa buhay. Respeto ay isa sa pinaka mahalagang pag uugali sa isang trabaho na dapat ay mayroon tayo. Bilang isang indibidwal nakakagawa din tayo minsan sa buhay ng kamalian, pero dahil sa pagkakamali natin dito tayo nasusubok, at mas sinasanay pa natin ang sarili na maging matatag at palaban sa buhay. Sa unang kong pakikisama kasama ang aking mga katrabaho, hindi ko inakala na magiging masaya pala ako dahil sa ipinakita nilang kabaitan sakin, at sobra din kung mag biruan ang aking mga ka grupo. Naging mabuti din ako sa kanila bilang isang ka trabaho, gaya ng pag respeto ko sa aking mga magulang ay ganun din ang aking pakikitungo at pakikisama sa kanila. Noong nag simula ako sa aking trabaho inaamin ko minsan na ako ay may pagka-masungit , mahiyain at hindi palangiti. Pero napag tanto ko sa aking sarili na ang pagiging masungit, mahiyain, at hindi palangiti ay isa sa hindi magiging isang magandang halimbawa, bilang isang modelo ng kabataan. 


Pangalawa ay ang pagkaka-roon ng TIWALA sa sarili, na dapat ay maging mabuting halimbawa tayo bilang isang kabataan. Ugali ang unang nakikita sa bawat-isa, kaya wag nating hayaan na masira ang tiwala na ibinigay natin sa ating katrabaho o iban pa mang tao, ganun nadin sa mga taong naging parte sa buhay natin. Natatandaan ko pa noong bata pa lamang ako, siguro mga grade-4 ako nag simula kami ng aking kuya ng isang maliit na negosyo. Sa pamamgitan ng pagbabahagi namin ng aming baon, kung kaya't naman ay nakakaipon din kami ng pera para may pambili kami ng mga pangangailangan namin  sa paaralan. Bilang isang kapatid nirerespeto ko ang aking kuya bilang may paggalang, kaya masasabi ko na ang RESPETO, at TIWALA sa sarili ay syang magiging daan tungo sa magandang kinabukasan.

BLOG ENTRY NO.3

(Featured Work Place n0.1)

Para sakin ang una kong itinatampok na lugar ng trabaho ay ang KUMON CENTER. Marami akong unang natutunan dito, dahil sa isang koponan ay labis ko naramdaman ang kanilang kabaitan.  At marami din akong natutunan kung kaya naman ay, sobra din akong nasiyahan sa kung papaano sila makitungo sa mga bata, at nagiging mas aktibo din ang kanilang mga estudyante dito, dahil sa maganda nilang pag papakatakbo at pamamaraan ng pagturo sa mga estudyante. Ang isang estudyante ay may sari-sariling estrataheya, kung papano ito mas mapapalawak pa ang kanilang mga kaalaman.  Bilang isang estudyante nag-karoon din ako ng mga hindi pagkaka-unawan pag-dating sa mga aktibidad sa aming paaralan. Pero dahil dito ay mas pinapatibay ko pa ang aking loob, na magsikap at magpursigi para maabot ko balang araw ang nais ko sa buhay. Noong bata ako gustong-gusto ko na mabigyan din ako ng isang pagkaka-taon na maturuan, na yung ako lamang ang pagtutuunan ng pansin ng isang guro, gaya ng mga kaklase ko noon, dahil tingin ko mas nabibigyang pansin at mas nagiging aktibo ang isang bata, kapag napag tutuunan ng maayos  ang kanilang kaalaman, at maarin din itong maibahagi sa iba pag-dating ng araw.

Kaya Kumon Center ang una ko nagustuhan na itampok na lugar, dahil bukod sa maganda ito marami din na mga magulang ang mas pinili nilang dito nila ilagay ang kanilang mga anak, dahil alam nila na ang Kumon ay isa sa pinaka kilala at mahusay ang pagpapatakbo, at pamamaraan kung papaano nila turuan ang mga estudyante dito. Bilang may karanasan sa Kumon Center sobra ang pasasalamat ko, dahil may natutunan din ako sa kanilang mga itinuro sakin, gaya na lamang ng kung papaano ang tamang pag ttsek ng mga papel ng bata. At kung papano din ang tamang pag tatala sa mga grado ng bawat estudyante.


BLOG ENTRY NO.4

(The Value of Hard Work)

Ang paghihirap sa trabaho ay tanging paraan lamang para maabot natin ang tagumpay sa buhay. Simula noong bata pa lamang ako naalala ko ang sinabi sakin ng aking mga magulang, ''Anak mag-aral ka nang Mabuti at pagsikapan mo lahat ng bagay mahirap man ito o madali, tandaan mo ang paghihirap ay nagbubunga ng masagana''.  Ang pag-hihirap sa isang trabaho ay hindi kailanman nakaka pang hinayang , dahil ang lahat ng pinag-hirapan ay may kapalit na kasiyahan. Sa aking naranasan sa hirap ng isang trabaho, minsan inisip ko na lumiban muna ako kahit isang-araw lamang,  para mag-pahinga ngunti mas pinili ko parin ang manatili na mag trabaho. Naranasan ko rin sa trabaho ang araw-araw na pagod sa pag byahe, minsan gabi narin kami uuwi. Pero hindi ako nag patalo, dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko. 

Ang bawat-isa ay may kakayahan na mag trabaho, ngunit karamihan sa mga Filipino ay may likas na pagiging tamad. Hindi natin makakaila sa buhay ang mga bagay na minsan, kahit gusto nating makamit ang mga bagay na nais natin, ay kailangan muna natin itong paghirapan bago nating makuha balang araw. Ang halaga ng pagsisikap ay isang pag-unlad sa buhay bilang isang tao, karamihan ay nangangarap na magka-roon ng masaganang buhay , kayang ang tanging susi lamang sa isang tagumpay ay ang kasipagan. 


BLOG ENTRY NO.5

(What is Most Difficult at Work)

Para sakin siguro ang naranasan ko na pinaka mahirap na trabaho, ay ang paghuhugas ng mga plato sa GASTRO PUBLIKO na kung saan ito ay pangalawa kong pinag trabahuan. Gusto ko lang sana ibahagi ito dahil sa naranasan ko, noong nag trabaho ako sa Gastro sobrang analalaki at sobra din ang bigat ng mga plato nila, at iba pang kagamitan pang kusina. Naalala ko pa nga ng minsan naka basag ako ng isang baso, pero itinago ko na lamang ito, dahil sa takot ko narin na baka mapagalitan lamang ako ng aming boss. Sadyang hindi pala talaga madali ang mag trabaho sa isang restaurant, lalo't kilala at dinarayo ito ng mga tao. Sa una ay makakadama ka nang matinding pagod, dahil naranasan ko simula una hanggang huli ay sa kusina lamang ako naatas na mag trabaho, sobra ang sakit ng likod ko, dahil ang kanilang lababo ay mababa lamang. Pero sobra akong naging masaya, at marami din akong nakilala at naging kaibigan sa Gastro sobra ang babait nila, at higit sa lahat masayang kasama.

Sa Gastro kahit ganun yung hirap na naranasan ko, madami naman akong natutunan sa kanila gaya na lamang ng tamang pagbabalot ng cheese stick at pag kikilo ng mga karne at lutong ulam. Ang pag-hihirap ay natural lamang na maranasan natin sa buhay, dahil ang pag-hihirap sa buhay ay nasusuklian ng malaking tagumpay sa kinabukasan. Ang buhay ay parang gulong tuloy lang sa pag-ikot, kahit nahihirapan na laban lang dahil ang lahat ng pag-hihirap ay may tagumpay na kapalit.


BLOG ENTRY N0.6

(Featured Work Place no.2) 

Para sakin ang pangalawa na itinatampok ko na lugar ng trabaho ay ang GASTRO PUBLIKO. Bukod sa isa ito sa kilala at dinadayo, maganda yung kanilang pag lilingkod sa mga tao. Simula nang nag umpisa akong mag trabaho sa restaurant na ito, laging nasa isip ko na sana balang araw magka-roon din ako ng ganitong restaurant na malaki, maganda  at maraming empleyado. Ang Gastro para sakin ay masasabi ko na ito yung isa sa pinaka magandang negosyong gawin ko balang araw, hindi lang ito kainan ito rin ay RestauBar na pwedeng dayuhin ng mga taong mahilig gumimik lalo na ang mag babarkadahan, na mahilig sa inuman. Maraming empleyado ang nais din na maging boss at may ilan din naman na gustong magka-roon ng isang magandang kompanya gaya ko.

Isang dahilan kung bakit nagiging matagumpay sa buhay ang isang tao, dahil andun yung tiwala nya at kasipagan sa sarili na kaya mo, oo kaya mong ipakita sa ibang tao na, hindi hadlang ang kahirapan sa buhay, para lang masabi na sobrang hirap ng buhay bilang isang Filipino. Tandaan bawat tao ay may kanya-kanyang pamamaraan, kung papaano mag tagumpay sa buhay, may kasabihan nga tayo na kapag may ''tiyaga may nilaga''. Tulad ko hindi man ako lumaki sa isang mayaman na pamilya, mayaman naman ako sa kaibigan at pagmamahal ng aking pamilya, magaling akong makitungo sa mga tao at sa ngayon ay nag nenegosyo nadin ako at isang online seller. Hindi ko ikinakahiya ang pagiging working student ko, dahil alam ko sa sarili ko na tama at marangal ang aking ginagawa at para din ito sa aking mga pangarap.


BLOG ENTRY N0.7

(If I were the Boss)

Kung ako man ay mabibigyan ng pisang pagkaka-taon na maging Boss balang araw sa isang kompanya, unang gagawin ko ay makikisama ako ng maganda sa aking mga empleyado. Gaya nga ng nabanggit ko kanina na ang pagkaka-roon ng respeto sa sarili ay mag bubungga ng magandang kinabukasan. Sa pagiging boss ko kapag nakumpleto na ang lahat ng kagamitan sa aking isang Restaurant, ang aking unang gagawin ay sisiguraduhin ko na  gumagana ang lahat ng ilaw, at papalagyan ko din ng mga cctv sa bawat sulok para nadin sa aming kaligatasan, at kung magkaka-roon man ng nakawan ay agad mahuhuli ang suspek. Pangalawa sisiguraduhin ko din na maganda ang kalidad ng aking restaurant, para mas maging sikat din ang aking negosyo gaya ng Gastro Publiko. Pangatlo ay kikilananin ko muna ng husto ang aking mga empleyado, para mas makilala naming ang isat-isa at gusto na lahat ng magiging empleyado ko ay magsasabi sakin ng kanilang saloobin may kinalaman man ito sa trabaho o wala, dahil ang mahalaga ay magturingan bilang isang pamilya sa trabaho, hindi para makipag kompetinsya sa iba.

Pag may magandang pangarap sa buhay, nagdudulot ito ng isang positibo  na maabot mo balang araw ang mga pangarap, bagama't isang estudyante pa lamang ako iniisip ko din na sana sa kinabukasan ko lahat ng aking mga pangarap ay matupad. Tulad ng isang boss sa trabaho nangarap din sila na balang araw tatawagin silang boss sa malalaking kompanya, kaya gaya ko bilang isang estudyante wag tayong mawalan ng pag-asa na hindi natin maabot ito, dahil tandaan mo nabuhay ka para maging masaya sa mundong ito at mangarap sa buhay hanggang sa makamit na natin ang masaganang tagumpay.



BLOG ENTRY NO.8

(Featured Employee)

Ang isang koponan ng pagkuha ng talento ay maaring makinabang, sa mga empleyado dahil ito ang nagpapalawak, at isang tanging paraan lamang para mas maging isang tampok na empleyado. At kailangan din makisali dapat sa pagtatayo ng isang koponan sa trabaho, nang sa gayon ay mas makilala pa at maging matatag sa isang trabaho, kahit na mahirap man o madali ang napasukan na trabaho, basta ang mahalaga ay kung saan tayo sasaya. Sa pinaka simpleng paraan na ito, iniuugnay ng pakikisama ang mga katrabaho sa isang personal na antas. Maari din na makipag-usap sa isa pang oras pagkatapos ng trabaho o kapag maari ng magpahinga, mas maikakabuti sa samahan  na lumikha  ng isang malakas na pagkakaibigan, dahil ang pagkaka-roon ng maraming kaibagan sa isang trabaho ay nangangahulugang na Mabuti kang empleyado at mas masayang kasama at katrabaho. Ang pakikisama ay isa sa maari ding bilang isang Sistema ng suporta, na nagpapahintulot sa bawat empleyado na magpadala ng mga positibong mensahe sa isang tao, halimbawa na lamang ay kung sino ang may sakit o nakakaranas ng traumatiko na pangyayari o nararansan sa buhay.

Minsan sa buhay natin hindi natin matatanggi, ang pagiging tampohin at pagka-inngit sa ating katrabaho, dahil oo hindi lahat ng empleyado ay gusto ng mga boss. Minsan may pinipili din sila na gusto lang nilang maka-usap, pero hindi ito hadlang para lang magpadala tayo sa galit. Ang tanging paraan lamang para labanan ito ay iwasan natin ang mga bagay na wala naming kinalaman sa ating buhay , at higit sa lahat mag pokus lamang tayo sa, kung ano ang makakabuti para satin.





BLOG ENTRY NO.9


(Important Lesson Learned)

Isang bagay lang para sakin ang pinaka mahalaga na aking natutunan at ito ay ang likas na maging masipag. Sa isang trabaho walang magandang nadudulot ang katamaran, dahil kailanman ang kasipagan ay ito lamang ang susi at tanging paraan sa tagumapay ng buhay. Naransan ko rin naman ang maging tamad sa trabaho, pero nilabanan ko si katamaran at pinairal ko naman si aking kasipagan. At kahit minsan parang gusto ko nang sumuko sa buhay, dahil sa dami at nararansan na mga problema, subalit hindi ako nagpadala, dahil alam ko na ang lahat ng paghihirap sa buhay ay may magandang kapalit at masusuklian ng magandang buhay.

Noong bata ako siguro mga nasa labingdalawang taong gulang pa lamang ako noon, may isa akong natatandaaan na nang yari sa aking buhay na dahil dito nagging pursigido ako na maging masipag. Isang araw nun bumisita ang aking mga kaklase saming bahay, pero wala akong kaalam alam na dadalaw pala sila sakin sa bahay. Isa sa nagtulak sakin para maging masipag ako ay ang aking kaklase, sinabihan nya ako na ''andumi ng bahay nyo pia e'' at ng dahil sa sinabi ng aking kaklase ko na iyan inisip ko na sobrang ganun na ba kadumi yung bahay namin, para sabihan nya ako ng ganun at seryoso sya habang sinasabi nya yun sakin. Kaya ng dahil sa kaklase ko na iyun mas nagka-roon pala ako ng kasipagan at nakikita ng aking mga magulang habang ako daw ay lumalaki. 



(JUST SMILE)

symbol

BLOG ENRY NO.10

(My Hope and my Future)

Para sa aking pag-asa at kinabukasan , gaya ng nasabi ko na ang tanging paraan lamang ay ang pagiging masipag, upang makamit ang tagumpay. Ang aking pag-asa sa buhay ay tanging si God at ang aking pamilya lamang, dahil sa kanila ako kumukuha ng lakas at sila ang inspirasyon ko sa aking pag-aaral. Para naman sa kinabukasan ko mas higit ko pang pagbubutihin ang aking pag-aaral, kaya naman taos puso ang aking pasasalamat , dahil sinanay  kami ng maaga sa trabaho sa isang Kumon Center, at Gastro Publiko. Para sakin hindi madali ang masanay ng walang alam pag dating sa trabaho, dahil alam ko na lahat ng estudyante sa aming paaralan ang hindi sanay sa trabaho, lalo na pag dating sa mga gawaing bahay. Pero hindi ako kagaya nila dahil, may sarili akong estratehiya kung papaano ako gumawa ng mga bagay-bagay. Bilang isang kabataan na ngangarap din ako na magka-roon sapat na trabaho, magka bahay ng maganda at magarang sasakyan. Pero sa lahat ng mga ngangarap na gaya ko, sabi nga nila walang masamang mangarap libre ito. Bilang isang mangangarap ang buhay ay madali na lamang, kaya sulitin natin ang mga sandali na hanggang kaya natin gawin ang mga bagay , na alam kong mag papasaya sakin,  at ang tanging paraan ko lamang ay itulak pa at patuloy na mangarap sa pamamagitan ng pagsisipag. At ang lahat ng ito kinabukasan ay mag bubunga ng masagana at sobra pa sa saya ang labis mong  madadama pagdating ng panahon .  

Ang pag-asa at magandang kinabukasan ay nan diyan lamang yan, tayo mismo ang gagawa ng paraan para makamtan natin ang lahat ng kasiyahan. At isang masa ganang buhay na walang sinuman ang walang hindi na ngangarap ng lahat ng ito. Muli ako si Sophia bayan isang estudyante at patuloy na ngangarap sa buhay :) 









"Karanasan tungo sa isang Tagumpay" Ang magandang karanasan ay isang susi sa kinabukasan, dahil sa pagsasanay dito tayo nagka...